Filipino

Pangunahing responsibilidad ng Bagwisang Filipino ang pagpili ng mga maililimbag na akdang Filipino sa Heights sa pamamagitan ng deliberations. Dagdag dito, responsibilidad ng Bagwisan ang magkaroon ng mga kasaping may taglay na husay sa kritikal na pagbasa ng mga akdang pampanitikan. Kasama sa layuning ito ang tuluyang pagpapaunlad ng kasanayan at abilidad ng mga kasapi sa pamamagitan ng mga panayam (tulad ngĀ Training Talks o Creative Talks) at mga regular na ehersisyo sa pagsusulat.

Bilang deliberating staff, ginagamit ng Bagwisang Filipino ang kasanayang close reading at ang mga dulog sa pagbabasa sa pagpili sa mga akda. Magkatuwang ang Kagawaran ng Filipino ng Paaralang Loyola at ang Bagwisan sa pagpapayaman sa wikang pambansa. Hangarin ng Bagwisan ang patuloy na pagtataguyod ng aktibong talakayan tungkol sa panitikan at pagsusulat sa Filipino sa buong komunidad ng Ateneo sa pamamagitan ng mga gawaing inilulunsad ng Bagwisan sa Buwan ng Wika.

 

Comments are closed.